MENU
Matagumpay na naidaos ang unang Sentro Rizal Filipino Language Teaching Program (FLTP) Volunteer Teachers Training sa Opisina ng Konsuladong Panlahat ng Republika ng Pilipinas sa Milan. Layunin nitong magkaroon ng pagsasanay ang mga boluntaryong guro na magtuturo ng wikang Filipino sa mga batang Filipino na nakatira dito sa Italya.

Pinangunahan ni Consul Mersole Mellejor ang pagbubukas ng seminar noong 23 Nobyembre 2019 at si Asst. Prof. Eilene Antoinette G. Narvaez ng Unibersidad ng Pilipinas ang nagbigay ng pagsasanay.
Pagkatapos ng programa ay namahagi ng Sertipiko para sa mga kalahok.

Katuwang ng Konsulado sa proyekto ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at simula pa lamang ito ng pagpaplano ng mga susunod na gawain, pagtanggap ng mga dagdag na boluntaryong guro, at pagbuo ng module na magagamit sa pagtuturo.

Nagkaroon din ng parehong Seminar sa Roma, sa Nobyember 25 at 26, 2019.
 
pic1pic2